KAPANALIG, ang edukasyon ang pinakatanging yaman ng maraming pamilyang Pilipino. Karamaihan sa mga pamilya ang naniniwala na ito ang pinakamainam na pamanang maiiwan nila sa kanilang mga anak.

Kaya lamang, ang pamanang ito ay naipagkakait na ngayon sa karamihan dahil sa hirap ng buhay. Sa ngayon, tinatayang isa sa apat na pamilyang Pilipino ay maralita. Isa naman sa 10 pamilya ay kabilang sa extreme poverty.

Dahil sa kahirapan, maraming bata, sa halip na umaasa sa kikitain ng kanilang magulang ay maging sila ay napipilitang magbanat ng buto sa murang edad. At sa pagtulong nila sa kanilang magulang, nawawalan na sila ng oras at gana sa pag-aaral.

Sa ngayon, ayon sa Philippine Education for All 2015 National Review Report Philippines, malaking hamon pa rin sa ating bansa ang pagpapanatili ng mga estudyante sa elementarya at high school. Ang completion rate natin mula 2005-2006 hanggang 2012-2013 ay nasa 72% lamang sa elementarya at 73% naman sa sekondarya.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa kabilang banda, ayon naman sa Philippine Statistical Authority (PSA), nasa 5.492 milyong bata na nasa edad 5 hanggang 17 ay nagtatrabaho na. 41.6% dito o 2.283 million ay naitala para sa child labor. Tatlo sa 10 bata sa Northern Mindanao ang nagtatrabaho na habang isa sa 10 naman sa Metro Manila.

Ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing paraan ng ating pamahalaan upang matapos ang kahirapan. Maraming pamilya rin ang nangangarap na makaahon sa kahirapan matapos makapag-aral ang mga anak.

Isa sa mga nakikitang solusyon ay ang conditional cash transfer (CCT). Para sa ilang pamilya, ang direktang pagtulong na ito ay sapat na, ngunit sa iba, kulang pa. Hindi sa pera, kundi sa values formation. Ito ay isa sa mga areas na kailangang pagtuunan ng pansin ng ating lipunan upang maging mas epektibo at masiguro ang edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino.

Ang edukasyon ay isa sa mga importanteng salik ng ating dignidad at ng ating kaunlaran. Ayon nga kay Pope Francis, “Our generation will show that it can rise to the promise found in each young person when we know how togive them space. This means that we have to create the material and spiritual conditions for their fulldevelopment; to give them a solid basis on which to build their lives; to guarantee their safety and their education so that they can be everything they can be.”

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)