NGAYON ang huling araw ng pagdiriwang ng Pasko, ang pinakamasayang pagdiriwang taun-taon, ang kapistahan ng pagbibinyag kay Jesus.

Ang taong ay: Mawawala na ba ang diwa ng Pasko? Ibig sabihin, ang diwa ng pagbibigayan tulad ng pagtulong sa mahihirap, ang pagpapatawad, pagkakasundu-sundo, at kapayapaan ay matatapos na rin ngayon?

Gaya ng sinasabi ng iba, “Araw-araw ay Pasko.” Ngunit ang iba naman ay magsasabing, “Magastos ang ganoon. Kailangan nating bumili ng mga regalo at magdaos ng mga party.”

Hindi ganoon ang ibig sabihin. Ang tinutukoy ay ang DIWA ng pagbibigayan, ang “pagiging mabait at matulungin sa bawat isa.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Bakit sa tuwing Pasko lamang tayo tumutulong sa mga nangangailangan? Bakit tuwing Pasko lamang nagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaayos sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde? Oo nga pala, ang “ceasefire” ay maaaring maiugnay sa mag-asawang hindi magkasundo at iba pang miyembro ng pamilya.

Bakit tuwing Pasko lamang nagiging aktibo sa simbahan? Naaalala ko tuloy ang pari na nagdaos ng misa bago sumapit ang araw ng Pasko kung saan ang daming bagong mukha ang dumalo sa misa. Binati niya ito at sinabing, “Merry Christmas at Happy Easter!”

Nagtaka ang mga tao kung bakit sila binati ng Happy Easter. Matapos ang misa, ipinaliwanag ng pari kung bakit, “Ito ay dahil sa susunod na makikita niya ang mga bagong mukha ay sa Easter na.”

Hindi kailangang gumastos upang ipadama ang diwa ng Pasko. Maaari itong ipadama sa iba’t ibang paraan at hindi sa materyal na bagay tulad ng pagbati, pagiging matiyaga at mapang-unawa sa kabiguan at kahinaan ng bawat isa.

Atin itong pagnilayan. Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang diwa ng tunay na Kristiyano.

At ang pagiging Kristiyano ay walang pinipiling panahon at oras ngunit ito ay sa pang-araw-araw at higit sa lahat, ito ay panghabambuhay. (Fr. Bel San Luis, SVD)