Makikipagpulong sina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa kanilang US counterparts upang talakayin ang bilateral relations, lalo na ang may kaugnayan sa seguridad.

“Probably, one of the subject matters would be the South China Sea,” sabi ni Gazmin.

Sinabi niya na ang pagpupulong kasama sina US Secretary of State John Kerry at US Defense Secretary Ashton Carter ay gaganapin sa susunod na linggo, idinagdag na nakatakda silang umalis patungong US ngayong weekend.

Magaganap ang regular meeting ng dalawang bansa habang lalong ipinararamdam ng China ang presensiya nito sa mga pinag-aagawang bahagi ng South China Sea o West Philippine Sea. (Aaron B. Recuenco)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal