IPINABINYAG ng isang babae ang kanyang anak. “Ano ang pangalan ng bata?” tanong ng pari. “Toyota,” sagot ng babae.
Nagtatakang sagot ng pari, “Bakit?” at sumagot ang babae, Kasi po Father, “iyong panganay ko ay nagngangalang ‘Ford,’ yong ikalawa naman ay ‘Mercedes’ at yong pinakamaliit ay ‘Beetle.’” At muling nagtanong ang pari at sinabing, “A ganoon ba? Bueno, ano ang gusto mong ibibinyag ko sa anak mo: diesel o gasolina?”
Ang kakaibang istoryang ito ay maaaring makatulong sa atin na ituon an gating atensiyon sa kapistahan ng pagbibinyag kay Kristo ngayong Linggo at ang tamang pagtuturo at pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak sa kasalukuyang panahon.
Nang ilublob ang Panginoon sa Ilog Jordan at binyagan ni John, doon nagsimula ang pagbibinyag. Bago umakyat sa langit, ipinag-utos ni Jesus na isagawa ang pagbibinyag at sinabing, “Go...make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father, the Son and the Holy Spirit” (Mt 28,15).
Gayunman, ang ibang batang nabinyagan ay lumaking arogante sa mga patakarang ipinapatupad ng simbahan at sa kanilang mga obligasyon bilang Kristiyano.
Halimbawa, may mga Katoliko na tatlong beses lamang nagpupunta sa simbahan sa buong buhay nila—nang sila ay binyagan, ikakasal at kapag namatay. Dahil diyan sila ay nabinyagan bilang Kristiyano ngunit sa pangalan lamang.
Sa libro ni Bernard Cooke na Sacraments and Christian Personality, mababasa ang: “Our baptism is not an action which happens once and has no further significance for our life. Rather, all the significance of this sacrament passes dynamically into the daily living of the Christian.”
Sa madaling salita, hindi sapat na tayo ay tumanggap lamang ng sakramento ng binyag. Kailangan itong masundan. Ang pagbibinyag sa atin ay kinakailangan maging operative power at maging katulad ni Kristo.
Halimbawa, ipinagmamalaki natin na tayo lamang ang natatanging bansang Kristiyano sa Asya ngunit tayo ang may pinakamataas na bilang ng krimen at karahasan.
Patuloy ang paglaganap ng graft and corruption. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga problemang ngunit ang ugat ay dahil sa kakulangan sa pananalig sa Diyos at an gating moralidad ay naiimpluwensiyahan ng hindi maganda.
(Fr. Bel San Luis, SVD)