SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa pagpapatiwakal ng isang 16-anyos na babae, na natagpuan ng kapatid nito na nakabitin ng electric wire sa loob ng kanilang bahay, umaga nitong Enero 5.

Kinilala ng San Leonardo Police ang biktimang si Janina San Miguel y Bunyi, estudyante, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, bago nagpatiwakal ay walang kibo at matamlay ang dalagita, na nag-iwan umano ng sulat tungkol sa problema nito sa pamilya at eskuwelahan. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog