HANOI (AFP) — Naglabas ang Vietnam ang ikalawang babala sa loob ng isang linggo laban sa Beijing matapos lumapag ang mas maraming Chinese aircraft sa pinagtatalunang Fiery Cross reef sa Spratlys noong Miyerkules.
Ang mga paglapag sa South China Sea ay “a serious violation of Vietnam’s sovereignty and threaten peace and stability in the region,” sabi ni foreign ministry spokesman Le Hai Binh sa isang pahayag na inilabas noong Huwebes ng gabi.
Inihayag ni Binh na hiniling ng Vietnam sa China “to immediately end similar acts… that expand and complicate disputes.”