033015-kathniel copy

NAGBUBUNYI ang KathNiel fans dahil tinanghal na Best Foreign Actress at Actor sa Vietnam Face of the Year Awards 2015 sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa Pangako Sa ‘Yo.

Oo nga naman, pang-internatioanl na ang KathNiel dahil na-invade na nila ang Vietnam. Imagine, nai-feature sila sa sikat na Vietnam newspaper.

Kaya naman proud na proud ang KathNiel fans na ipinost sa kani-kanilang social media accounts ang “Best Foreign Actor & Actress! Congrats loves @imdanielpadilla @bernardokath #BlueStarAwards #PSYTheProposal!”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Post naman isang loyalist nina Kathryn at DJ, “Wow KathNiel featured at Vietnamese newspaper/magazine!

#PSYTheProposal.”

Hindi talaga nagpapatalo ang supporters ng KathNiel at talagang hindi sila makapapayag na may dumaig na sa mga idolo nila.

Oo nga naman, nauna naman talaga ang love team nina DJ at Kath. (Reggee Bonoan)