PHOTO CAPTION_Gina Pareno copy

ANG tarush ng FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin dahil hanggang Hulyo 2016 pa pala ito mapapanood at hindi magtatapos sa unang scheduled ending nito sa susunod na buwan.

Oo nga naman, imposibleng magtapos ito ng Pebrero, e, ang taas-taas lalo ng ratings at ang dami-dami pang nabubuong kuwento sa serye at sanga-sanga na ang mga nagiging kalaban at problemang kailangang lutasin ni Cardo.

Hindi pa natatapos ‘yung problema kina Richard Yap at Albert Martinez pero sumasabay na ang pagtugis ni Cardo sa grupo ni Ronaldo Valdez bilang Ninong at heto, may bago na namang misyon laban sa sindikatong pinangungunahan ni Olga (Gina Pareño).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Akalain mo, ang paboritong Lola Gets ni Coco sa Tayong Dalawa ay heto at kalaban niya sa Ang Probinsyano.

Samantala, marami kaming natanggap na tanong via direct messages mula sa mga kakilala naming TFC subscriber kung magbabalikan ba ulit sina Richard Yap at Agot Isidro.

Actually nu’ng presscon ni Richard ng solo ay ito sana ang gusto naming tanungin dahil nakaka-intriga ang sinabi ng aktor na hindi pa niya alam kung sino ang ibibigay sa kanyang ka-partner, pero magkakaroon daw.

Timing naman na magkakilala sina Richard at Agot sa kuwento at tila may nakaraan sila, so alam na. (Reggee Bonoan)