AABOT na sa 104 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong 2016. Talagang hindi mapigil sa panggigigil ang mga Pinoy. Kumpara sa China na may 1.3 bilyong mamamayan. Walang laban ang ‘Pinas sa dambuhalang bansa sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea kung walang tulong mula sa US, Japan, Australia at iba pang mga bansa. Nagpapalala pa sa problema ng Pilipinas sa WPS ang nagmamayabang na sektor ng lipunan na sila ay makabayan at ang protesta laban sa mga Amerikano kapag may PHL-US Exercises gayong sa tungki ng kanilang mga ilong ay naririto na sa teritoryo natin ang iniidolong China na inookupahan ang mga isla at reef na saklaw ng Exclusive Economic Zone ng ating bansa. Hoy, gising na kayo mga komunista at maka-kaliwang grupo!

Sa pagsikad ng populasyon ng ating bansa, hindi ba ninyo napapansing dumarami rin ang populasyon ng mga bakla at matatabang kabataan? Kung noon ay itinatago ang kabaklaan, ngayon ay lantaran na ito. Kung noon ay medyo payat o balingkinitan (slim) ang mga Pinoy, ngayon ay nagtatabaan at pauyad-uyad sa paglakad.

****

Hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya sa Mamasapano, Maguindanao na nangyari noong Enero 25, 2015. Apatnaput apat na kasapi ng PNP Special Action Force (SAF) ang nasawi. Dapat ay papanagutin ang may sala sa kakila-kilabot na pagkamatay ng mga kabataang pulis sa kanilang pagsugod sa lungga ng mga terorista, mula kay Pangulong Aquino hanggang kay dating PNP Chief Director General Alan Purisima at mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kumilos upang saklolohan ang SAF 44.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nais ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile (JPE) na muling buksan ang imbestigasyon sa nangyaring engkuwentro sa Mamasapano upang suriin ang mga bagong ebidensiya (kung mayroon man) hinggil dito.

Sinabi ni Sen. Grace Poe na ang pagdinig ng komite ay gagawin sa ika-25 ng Enero, ito ang unang anibersaryo ng malagim na engkuwentro sa Mamasapano, na ipinain sa kamatayan upang marahil ay bigyan ng kredito ang suspendidong kaibigan ng Pangulo sakaling magtagumpay ang operasyon.

Inaasahang sa paglahok ni JPE sa Mamasapano incident, posibleng magliwanag ang mga pangyayari at lumitaw ang katotohanan sa likod ng trahedya dahil nakapanayam daw ng beteranong senador ang ilang survivor habang siya’y nakakulong sa Camp Crame dahil sa kasong plunder.

Malapit na ang halalan, sa Mayo na. Ang pagpipilian natin ay sina Pulot, Killer, Corrupt (daw), PNoy robot, Lung cancer. Isasama pa ba natin si ex-Amb. Roy Senerez? Well, magreretiro na raw si Pacquiao pagkatapos ng laban niya kay Timothy Bradley sa Abril 2016 sa Las Vegas. Mabuti nga at magretiro ka na, Mr. Pacman at baka maulog pa ang utak mo! (BERT DE GUZMAN)