KASALUKUYANG umiiral ang tensiyon sa dalawang malalaking bansa sa Gitnang Silangan, ang Saudi Arabia at Iran. Sa tindi ng galit ng Saudi Arabia, pinutol nito ang ugnayang-diplomatiko sa Iran bunsod ng pagsalakay at pagsunog sa embassy nito sa Tehran bilang protesta ng Iranian government sa pagbitay sa isang Shiite cleric na si Sheikh Nimr al-Nimr.

Bagamat kapwa Muslim, ang Saudi Arabia ay lahing Sunni habang ang Iran naman ay lahing Shiite. Sinabi ni Saudi Foreign Minister Adel al-Jubeir na kailangang umalis sa Saudi Arabia ang lahat ng diplomat ng Iran sa Kaharian ng Saudi Arabia sa loob ng 48 oras.

Hindi ba kayo nagtataka, katulad ko, kung bakit sa Middle East na pinagmulan nina Jeus Christ (Israel) at Prophet Mohammad ay nananatiling magulo mula noon hanggang ngayon? Magulo rin sa Israel kung saan isinilang ang Panginoong Hesukristo dahil sa labanan ng mga Israeli at Palestinian.

Ang ipinangangaral ni Kristo ay kapayapaan at pagmamahalan. Gayundin ang aral ni Prophet Mohammad sa mga Muslim, magmahalan at magkaisa. Ngunit nakapagtatakang ang malaking kaguluhan ay nangyayari sa mga lugar na pinagsilangan at pinagmulan pa nila.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong Sabado, sinugod ng mga Iranian ang Saudi embassy sa Tehran at ang konsulado sa Mashad, pangalawang pinakamalaking siyudad sa Iran, dahil sa pagbitay ng Saudi government kay Nimr, isang prominenteng Shiite cleric, na dinadakila ng Iran. Hiniling ni Jubeir sa Iranian government na protektahan ang embassy nito sa Tehran subalit hindi ito pinakinggan kaya’t nangyari ang sunog sa embahada.

****

Kusang nag-inhibit ang tatlong mahistrado ng Supreme Court na pawang miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagpasyang hindi natural-born Filipino citizen si Sen. Grace Poe. Sa petisyon ni defeated senatorial bet Rizalito David, hiniling niyang matanggal si Poe sa Senado. Gayunman, sa botohang 5-4, nagpasya ang SET na kuwalipikado si Sen. Grace dahil siya ay isang natural-born Filipino citizen. Ang tatlo ay bumoto kontra kay Poe.

Hindi pa alam kung sina SC justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-de Castro at Arturo Brion ay mag-iinhibit din sa dalawa pang petisyon sa Supreme Court na nagdidiskuwalipika kay Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo sa Mayo dahil hindi siya isang Pilipino at kulang sa panahon ng paninirahan sa bansa.

****

Hanggang ngayon ay libu-libo pang mga sasakyan ang walang bagong plate number. Alam ba ninyong ako ay halos isang taon nang nagpa-renew ng car registration at nagbayad para sa new plate number ngunit wala pa rin hanggang ngayon.

Nakapagtataka na pati ang mga lumang sasakyan (katulad ng aking sasakyan) ay inoobligang kumuha ng bagong plaka gayong okey pa naman at matibay ang nakakabit na plaka. Hinala ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko, “Malamang gagamitin sa eleksiyon ang makukulekta sa bayad ng mga bagong plaka.” Aba naman, iyan ba ang “Daang Matuwid” o ito ang “Baluktot na Pag-iisip”? (BERT DE GUZMAN)