SINGAPORE (AFP) — Tumaas ang presyo ng langis sa Asia noong Lunes matapos putulin ng crude kingpin na Saudi Arabia ang ugnayang diplomatiko nito sa Iran dahil sa hidwaan kasunod ng pagbitay sa isang Shiite cleric.
Inanunsyo ng Saudi Arabia ang desisyon noong Linggo, isang araw matapos lusubin ang kanyang embassy sa Tehran ng mga kumokondena sa pagbitay kay Sheikh Nimr al-Nimr.
Sinabi ni Saudi Foreign Minister Adel al-Jubeir na mayroon na lamang 48 oras ang mga Iranian diplomat para umalis sa kaharian habang sinabi ni Iran supreme leader Ayatollah Ali Khamenei na mahaharap ang Saudi Arabia sa “quick consequences” sa pagbitay sa cleric.
Nangangamba sa pagtindi ng kaguluhan sa maselan nang Middle East, hinimok ng United States ang mga lider ng rehiyon na gumawa ng hakbang upang mapakalma ang sitwasyon.
Dakong 0230 GMT, ang US benchmark West Texas Intermediate para sa delivery sa Pebrero ay tumaas ng 48 sentimos, o 1.30 porsyento, sa $37.52 at ang Brent crude para sa Pebrero ay mabibili sa halagang 61 sentimos, o 1.64 porsyentong mas mataas sa $37.89.
“Oil started the new year on the mend, as Asian markets reacted to fears that geopolitical tensions in the Middle East may threaten the supply of oil,” sabi ni Bernard Aw, market strategist sa IG Markets sa Singapore.