Hinihiling sa mga Pilipino na i-synchronize ang kanilang mga orasan sa official Philippine Standard Time (PhST) upang bigyang diin ang pag-obserba sa National Time Consciousness Week (NCTW) simula Enero 4 hanggang 8, 2016.

Pinangungunahan ng Department of Science and Technology (DoST) ang pagdiriwang, kasama ang 20 attached agencies sa ilalim nito.

Nakasaad sa isang pahayag mula sa DoST na nilalayon ng NTCW na makalikha ng “culture of discipline among Filipinos by allowing a shift from the so-called ‘Filipino Time’ attitude to one characterized by punctuality to show respect to the value of time and to other people.”

Noong Setyembre 2011, inilunsad ng DoST ang kampanyang “Juan Time” o Filipino Time upang isulong ang paggamit ng PhST sa pagkakamit ng kultura ng punctuality sa pag-synchronized ng lahat ng orasan, relo at bundy clock sa mga opisina. (EDD K. USMAN)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?