Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magpatupad ng postal voting para sa mahigit 75,000 rehistradong botante na nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa.
Batay sa datos ng Comelec, may kabuuang 75,363 rehistradong botante ang maaaring gumamit ng postal voting o magpapadala ng balota ang 26 na embahada sa mga Pinoy European Region, Asia Pacific Region, at Middle East at African Region, sa pamamagitan ng liham.
Lalagdaan naman ng mga botante ang ipinadalang balota at ibabalik sa embahada bago ang itinakdang deadline.
Gagamit naman ng automated election system, sa pamamagitan ng voter counting machine (VCM), ang may 1.1 milyon para sa Overseas Absentee Voting (OAV) mula sa may 30 pang post sa iba pang panig ng mundo. - Mary Ann Santiago