TEHRAN, Iran (AP) – Nagbabala kahapon ang pangunahing leader ng Iran sa Saudi Arabia ng “divine revenge” kaugnay ng pagbitay sa isang opposition Shiite cleric samantalang inakusahan naman ng Riyadh ang Tehran ng pagsuporta sa terorismo, sa tumitinding sagutan ng dalawang bansa ilang oras matapos salakayin ng mga raliyista ang Saudi Embassy sa Tehran.
Inihayag ng Saudi Arabia ang pagbitay nito kay Sheikh Nimr al-Nimr nitong Sabado, kasama ng 46 na iba pa, kabilang ang tatlong iba pang rebeldeng Shiite at ilang miyembro ng Al-Qaeda.
Kinondena kahapon ni Iranian Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang pagbitay at sa pahayag sa kanyang website ay iginiit niyang si al-Nimr “neither invited people to take up arms nor hatched covert plots. The only thing he did was public criticism.”
Sinabi naman ng Foreign Ministry ng Saudi Arabia na sa ginawang pagkondena sa pagbitay, ang Iran “revealed its true face represented in support for terrorism.”