DUBAI (Reuters) – Nangako ang ilang opisyal ng Iran na palalawakin ang missile capabilities nito, isang paghamon sa United States na nagbabalang magpapatupad ng mga bagong limitasyon sa Tehran kahit pa babawiin na ang mga international sanction laban sa Iran alinsunod sa isang nuclear deal.

“As long as the United States supports Israel we will expand our missile capabilities,” sinabi ni Brig. Gen. Hossein Salami, second-in-command ng Revolutionary Guards. “We don’t have enough space to store our missiles. All our depots and underground facilities are full.”

Sinabi naman ni Defense Minister Hossein Dehqan na palalawakin pa ng Iran ng missile program nito dahil hindi kailanman pumayag ang Tehran na limitahan ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina