Pumanaw na kahapon si dating Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres matapos atakehin sa puso kahapon ng madaling araw, sa edad na 62.

Ang pagpanaw ni Torres ay kinumpirma ni Chief Supt. Rudy Lacadin, director ng Police Regional Office-3, base sa kanyang natanggap na ulat na nagsabing isinugod si Torres sa isang ospital sa Clark Field Pampanga, na roon ito nalagutan ng hininga dakong 1:00 ng madaling araw.

Nitong Biyernes, nakaranas si Virgie ng paninikip ng dibdib at matinding kirot sa likod kaya isinugod ito sa ospital.

Pagsapit ng gabi, nawalan ng malay si Torres habang naglalakad patungo sa palikuran. Tinangka ng mga doktor na maisalba si Torres ngunit tuluyan siyang nalagutan ng hininga matapos ang ilang minuto.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Kasalukuyang nakaburol si Torres sa kanilang bahay sa Paniqui, Tarlac at ililibing sa kalapit na bayan ng La Paz ngayong Linggo. (Mar Supnad at ABS-CBN News.com)