TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Tatlong katao ang nasawi at tatlong iba pa ang malubhang nasugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Isabela at Cagayan, nitong Huwebes.

Sa unang aksidente sa national highway sa Barangay Nungnungan Dos sa Cauayan City, Isabela, namatay si Sheryl Magaoay matapos na ang minamaneho ng kanyang asawang si Ferdinand Magaoay, 52, kapwa ng Bgy. Castillo, Echague, ay aksidenteng nabangga ng Starex van na minamaneho ni Daniel Reyes, 45, ng Camalaniuagan, Cagayan.

Napaulat na kritikal naman sa aksidente si Ferdinand, ang anak niyang si Ellen Joy, at si Reyes.

Samantala, dalawang pasahero sa isang tricycle ang nasawi makaraang masalpok ito ng pampasaherong bus, na minamaneho ni Dominador Tabag, 43, ng Bgy. Curva, Pamplona, sa national road sa Bgy. Namuac sa Sanchez Mira, Cagayan. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog