ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Extra caution ang goal mo today, kaya mas mabuti kung huwag kang hahawak man lang ng paputok mamaya. Feel mo na this is the best day of your life, kung makakaiwas ka sa aksidente.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Nakakahawa ang festive mood ng New Year's Eve at hindi ka maliligtas sa mahahawahan. Bongga ang selebrasyon around midnight.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Sobrang busy ka today sa mga preparation para sa New Year celebration mamaya. Take it easy kung ayaw mong mamroblema sa unang araw ng 2016.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Ang huling araw ng 2015 ang turning point ng financial life mo. Basta may dagdag na income ka simula next year. Try mong tumaya sa lotto o mag-invest sa isang kumpanya.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Masyadong mataas ang iyong energy level, kaya mahalagangb itodo mo ito today. Mauubos ang energy mo bago magpalit ang taon.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Kakalimutan mo na ang routine para maging exciting ang iyong 2016. Posible rin ang last minute plans ng out-of-town New Year’s celebration.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Feel mo today ang love and warmth ng iyong family, friends and colleagues. Bihira ito kaya enjoy mo lang. Happy New Year!

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Eventful ang araw na ito for you. Last minute errands, festive chores, unexpected encounters at pagsulpot ng ilang taong akala mo ay kinalimutan ka na. Unforgettable ang araw na ito for you.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Spectacular experiences ang bubulaga sa ‘yo sa maghapon. Iimbitahan ka to join a group of old friends o magdiwang ng New Year's Eve sa piling ng mga bagong kakilala. Listen to your inner voice sa pagpili ng sasamahan.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Tensiyonado at stressful ang umaga, pero fun naman ang mararanasan mo sa gabi. Gusto mong sa bahay lang, pero iba ang plans ng iyong kapalaran. Be ready!

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Magpapalit ka na ng kalendaryo pero parang endless ang listahan ng mga kailangan mong gawin. Don't worry, mapapakinabangan mo ang iyong enthusiasm at inspiration. May recharge sa hapon.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Halos tapos na ang 2015. Mabuti pang magnilay-nilay ka sa mga tagumpay at kabiguan ng 2015. May mahalagang realization ka this midnight.