Binalaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kandidato laban sa paggamit ng pondo ng gobyerno sa kanilang pangangampanyan sa 2016 national and local elections.
Sa inisyung bagong voters’ guide, sinabi ni CBCP president at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi dapat gamitin ng mga kandidato ang pondo ng bayan para makalamang sa ibang kandidato o kahit sa anumang political agenda nila.
Nagbabala rin ang arsobispo laban sa mga panggigipit at intimidasyon upang isulong ang isang kandidato.
“It is God’s will to provide his people with shepherds after His merciful heart!” ani Villegas.
Umapela ang arsobispo sa Commission on Elections (Comelec) na tiyaking magiging tapat at makatotohanan ang halalan sa Mayo. (Mary Ann Santiago)