Selos ang sinisilip na motibo sa pagpapakamatay ng isang lalaki matapos itong magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Marvin Galicio, 24, ng Block 37, Lot 7G, Barangay 12, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Dakong 9:30 ng gabi nang madiskubre ni Jay-An Marie Pepe ang kanyang kinakasama na nakabigti sa kisame ng kanilang kuwarto.

Kumot ang ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon kay Pepe, madalas daw magselos ang kinakasama gayung wala naman siyang ibang lalaki.

“Akala kasi n’ya may kaagaw siya sa pagmamahal ko. Wala naman talaga at tamang hinala lang,” ani Pepe.

(Orly L. Barcala)