CABANATUAN CITY - Dahil sa matiyagang pagtugis ng pulisya sa mga pinaghahanap ng batas, nasukol ng warrant section team ang isang 52-anyos na lalaki na may kinakaharap na kasong kriminal, sa manhunt operation sa Paco Roman Extension sa Barangay Barrera ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Joselito Villarosa Jr., hepe ng Cabanatuan City’s Finest (PNP), kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nadakip ang matagal nang wanted na si Armando Reyes y Soarez, alyas Boy Reyes, ng nasabing lugar. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog