YANGON, Myanmar (AP) — Nakiisa ang pinuno ng militar ng Myanmar sa lumalawak na pagbatikos sa parusang bitay na ipinataw sa dalawang lalaki mula sa Myanmar sa kasong double murder ng mga turistang British sa isang Thai resort island, nanawagan sa military government ng Thailand na repasuhin ang kaso.
Inilabas ng state media ang mga komento ni Gen. Min Aung Hlaing noong Linggo na humihikayat sa Thai army chief na “review the evidence” na naging basehan sa sentensiya kina Win Zaw Htun at Zaw Lin, kapwa 22, na sinabing pinahirapan sila ng Thai police para umamin sa krimen.
Nanawagan ang heneral sa Thailand na “avoid a situation in which the innocent ... were wrongly punished,” iniulat ng pahayagang Global New Light of Myanmar.