CAPAS, Tarlac – Nakadetine ngayon sa himpilan ng Capas Police ang isang 25-anyos na lalaki matapos umanong paulit-ulit na halayin ang text mate niyang dalagita sa Barangay Cristo Reysa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Rolly Erese, na nanggahasa umano sa 13-anyos na biktima.

Napag-alaman na nakipagkita ang suspek sa dalagitang text mate sa isang mall at nakumbinsi niya ang biktima na sumama sa kanya sa Bgy. Cristo Rey, at doon ito paulit-ulit na hinalay. (Leandro Alborote)

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'