PBA_Texter_06_Dungo,jr_271215 copy

Ni Marivic Awitan

Laro ngayon (MOA Arena)

7 pm Rain or Shine vs. Talk N Text

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pag-aagawan ngayong gabi ng Rain or Shine at Talk ‘N Text ang huling semifinal berth ng 2016 PBA Philippine Cup sa kanilang pagtutuos sa isang knockout match sa pagtatapos ng second phase ng quarterfinals sa MOA Arena sa Pasay City.

Naitakda ang pagtatapat ng dalawang koponan na nagtapos na pangatlo at panglima noong nakaraang eliminations matapos manaig sa kani- kanilang nakatapat sa first phase ng playoff round, ang Elasto Painters kontra Blackwater Elite,95-90 at ang Tropang Texters kontra sa kapatid na koponang NLEX Road Warriors, 90-88.

Ang ikatlong semifinals berth at pag-aagawan naman ng 4th seed Barangay Ginebra at 6th seed Globalport na kasalukuyang nagtutuos sa isa ring knockout game habang isinasara ang pahinang ito.

Kakalabanin ng mananalo sa pagitan ng Rain or Shine at Talk ‘N Text ang defending champion San Miguel Beer habang makakatunggali ng magwawagi sa Ginebra-Globalport showdown ang Alaska.

Upang umabot ng semifinals, kailangang mag doble kayod ang kanyang mga player partikular sa depensa na aniya ay kinulang sa laban nila kontra Blackwater ayon kay ROS coach Yeng Guiao.

“If we want to make it to the semis,we have to play better than what we did against Blackwater,” ayon kay Guiao na umaming sinuwerte lamang sila dahil walang nakuhang sapat na suporta sa kanyang mga kakampi si Carlo Lastimosa kundi at malamang na nasilat pa sila.

“I hope the motivation and adrenalin will flow in the next game,” dagdag nito.

Sa kabilang dako, umaasa naman si Tropang Texter’s coach Jong Uichico na mas magandang laro ang kanilang maipakikita kontra Elasto Painters.

“I’m sure Rain or Shine will play hard.They’ve been there siyempre. Kami ‘yung bago so I think we’re gonna do better,” ani Uichico.

Pilay ang roster dahil nagpapagaling pa rin ang isang key player na si Ranidel de Ocampo at top rookie na si Moala Tautuaa, samantalang sasandigan muli ni Uichico ang liderato ni Jason Castro at ang mahalagang kontribusyon mula sa mga beteranong sina Larry Fonacier, Harvey Carey, Danny Seigle at rookie Troy Rosario.

Para naman kay Guiao, aasahan niya ang pag-step up ng mga rookie na sina Maverick Ahanmisi at Don Trollano, sophomore guards na sina Jericho Cruz at Jeric Teng at mga old reliable na sina Jeff Chan, JR Quiñahan,Raymund Almazan, Beau Belga at Jireh Ibañes habang di pa rin uubrang maglaro si Paul Lee.