Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang lalaki na pinagsasaksak ng isang lasing na napikon dahil umano sa masamang pagtitig ng biktima sa Valenzuela City, kamakalawa.

Sinabi ng pulisya na bumubuti na ang kalagayan sa Valenzuela Medical Center ni Lorjin de Vega, 31, ng Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela.

Pinaghahanap na rin ng pulisya ang hindi pa kilalang lalaki na sumaksak kay De Vega.

Lumitaw sa imbestigasyon na pauwi na si De Vega galing sa isang party nang makasalubong niya ang isang lasing na lalaki sa kalsada malapit sa kanyang bahay.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Bakit ang sama mo’ng makatingin? Gusto mo ng away?” kuwento ng biktima na sinabi ng suspek sa kanya.

Bago pa man makasagot si De Vega ay bigla na lang bumunot ng patalim ang suspek mula sa kanyang beywang at pinagsasaksak ang biktima sa dibdib.

Itinakbo ng mga residente sa lugar ang duguang si De Vega sa ospital ilang minuto matapos tumakas ang suspek, ayon sa pulisya. - Jel Santos