LUPAO, Nueva Ecija - Nalimas ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Akyat-Bahay gang ang mga mamahaling alahas at iba pang mahahalagang gamit mula sa bahay ng isang site engineer na nilooban nila noong hatinggabi ng Disyembre 24.

Ayon kay Engr. Rusty Soriano y Laroga, 35, may asawa, nakisalo ang buo niyang pamilya sa Noche Buena ng isang kaanak sa bayan ng Talugto, at pagbalik nila ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Ruben Erjas, sinabi ng biktima na natangay ng mga suspek ang iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng aabot sa P180,000, dalawang Samsung cell phone, isang Samsung tablet computer, at iba pang mahahalagang gamit. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae