Nagbuga na naman ng abo ang Mount Kanlaon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Paliwanag ni Kanlaon Observatory resident volcanologist Jay Jamello, ng Phivolcs, nagpakawala ng abo ang bulkan kasabay ng malakas na dagundong nito.

Sinabi ni Jamello na walang visual observation kahapon dahil sa makapal na ulap malapit sa crater ng bulkan.

Gayunman, nakapagtala ang Phivolcs ng pagyanig sa palibot ng bulkan.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Nagkaroon din, aniya, ng ashfall sa kalapit na mga barangay sa La Carlota City at sa ilang barangay sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental.

Nakalanghap din, aniya, ang mga residente ng sulfuric fumes.

Hindi pa matiyak ng Phivolcs kung hanggang kailan ang nararanasang volcanic activity ng Kanlaon kaya mananatili pa rin sa alert level 1 status ang bulkan na nangangahulugang ipinagbabawal pa rin ang mga turista at residente makalapit sa four-kilometer permanent danger zone. - Rommel P. Tabbad