Malaki ang porsiyento ng inakyat ni Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) para sa mga kandidato sa pagkasenador.

Sa survey noong Disyembre 12-14, umabot sa 30 porsiyento ang itinaas ni Domagoso sa survey kumpara sa SWS survey noong Setyembre, na nasa 28-31 puwesto ang bise alkalde.

Ang pag-angat ni Domagoso ay sa kabila ng limitado ang TV at radio ads.

Lubos ang naging pasasalamat ni Domagoso sa tiwalang ibinibigay ng publiko, at sinabing mahaba pa ang kanyang lalakbayin kaya kailangan ang ibayong pagsisikap upang makapantay siya sa mga kilalang pulitiko.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinaliwanag pa ni Domagoso, national president ng Vice Mayors League of the Philippines (VMLP), na isa rin sa kinakaharap niyang hamon sa ngayon ang paggamit ng Domagoso sa karamihan ng survey firms, sa halip na Moreno.

Ito naman ang naging dahilan ng kanyang pagkakapuwesto sa 16-20 sa Pulse Asia survey.

Naniniwala ang bise alkalde na ang pagtaas niya sa survey ay dahil sa pursigido niyang paglilibot sa mga liblib na lugar sa iba’t ibang lalawigan. - Beth Camia