ARIES [Mar 21 - Apr 19]

May darating na opportunity ngayong Christmas, at mahalagang gamitin mo ito nang buong husay. Hindi ikaw ang may birthday, pero ikaw ang niregaluhan.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Maraming traps sa’yo today. Makakaiwas ka sa ilan, pero hindi sa lahat. Walang magiging problema sa’yo ang pagsisimulang muli. Merry talaga ang Christmas!

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Paskung-Pasko may made-depress. Don't lose your composure; humahabol lang ang isang problema para sa 2015.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

May magbabago uli sa iyong professional affairs. Magkakaproblema sa isang business trip. Huwag mo munang intindihan ‘yan ngayon, Pasko naman.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Inner harmony ang promise sa anumang pinagkakaabalahan mo today. Stay away from financial experiments, kahit pa dadagsa mamaya ang sangkatutak mong inaanak.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Hindi ka na kailangang lumabas ng bahay para makuha ang latest news—at hindi mo mahihindian ang information na ito ngayong Pasko.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Naparami na ang kain mo kagabi, pero pagkain pa rin ang aatupagin mo this very Christmas Day. Dalasan mo na lang ang tambay sa gym next week.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Absent today ang iyong notorious na independent point of view. Nasa Christmas mode ka kasi.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Enjoyable but tiring ang araw na ito for you. May gagawin kang unconventional bago matapos ang Paskong ito.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Today is the best day to break your own stereotypes. At dahil Pasko, may bago kang motto.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Napakarami mong ideas today para mapasaya ang mga taong malapit sa’yo. May sorpresa rin silang inihanda, don’t worry.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Happy ka today. At tomorrow, at sa mga susunod na araw. Sana feeling Christmas ka lagi buong 2016.