TARLAC CITY — Arestado ang dalawang lalaki na nahuli sa pot session sa anti-narcotic operation ng pulisya sa Block 3, Barangay San Nicolas, Tarlac City.

Sa ulat ni Inspector Randie Niegos kay Tarlac Chief of Police Supt. Felix Verbo, Jr., kinilala ang mga inaresto na sina Domingo Santos, 50, helper, ng Barangay San Juan Bautista; at Jonald Bautista, 31, operator, ng Barangay San Miguel, Tarlac City. Ang dalawa ay kapwa empleyado ng Coca-Cola Bottling Company.

Nakuha sa kanila ang isang nakabukas na transparent plastic sachet na pinaglagyan ng shabu, improvised tooter, disposable lighter, at iba pang drug paraphernalia. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog