Cast ng 'Little Nanay' copy

HIT sa mga sumusubaybay sa Little Nanay ang picture na kuha sa taping ng teleserye ng GMA-7 na natutulog sa iisang kama sina Mark Herras, Juancho Trivino, Chlaui Maglayao at Kris Bernal. Nakyutan ang mga nakakita sa picture na naka-post sa Instagram nina Kris at Mark at marami ang nag-like.

May mga naawa rin sa apat dahil hindi na raw kinaya ang taping at kahit hindi kasya sa kama, nagsiksikan para matulog habang hindi pa sila kinukunan ni Direk Ricky Davao.

Pero ang gustong ipakita ni Kris sa picture ay kung gaano sila ka-close at ang caption nga niya sa picture ay, “Batongbuhay (family) in REAL LIFE. Ganito kami ka-close on and off cam.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

May mga naka-relate sa picture dahil ganoon daw silang magkakapatid matulog noong mga bata pa sila. May nag-comment pa na family goals nila ang Batongbuhay family sa ipinapakita nilang love and support sa bawat isa.

Samantala, sa episode mamaya ng Little Nanay, itataboy ni Annie (Nora Aunor) ang San Pedro family dahil sa tanong ni Vi (Gladys Reyes) kung may diperensya ba si Chiechie (Chlaui Maglayao) gaya ni Tinay (Kris?).

Bago umalis sina Archie (Hiro Peralta), iaabot ni Chiechie kay Archie ang mga ginawa niyang placards at sulat para rito. Iyak nang iyak sina Tinay at Chiechie habang inilalayo sila nina Peter (Mark) at Bruce (Juancho) kay Archie.

Sasabihin ni Peter sa dalawa na iniwan sila ni Archie.

Pati si Beatrice (Wynwyn Marquez) ay galit sa pagtataboy ng Batongbuhay sa BF niyang si Archie. Ipapaliwanag sa kanya ni Archie na ‘pag naayos ang sa kanila ni Tinay at Chiechie, ipapakilala siyang GF sa mga Batongbuhay.

(NITZ MIRALLES)