TINGLOY, Batangas - Posibleng nagdulot ng depresyon sa isang 51-anyos na mister ang kinakaharap niyang kaso ng panggagahasa kaya naspasya siyang magbigti, ayon sa awtoridad sa Tingloy, Batangas.

Natagpuang nakabitin sa puno sa likod-bahay si Ricardo Reyes, taga-Barangay Makawayan, sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) dakong 6:00 ng umaga nitong Disyembre 21 nang matagpuan ang biktima na may tali sa leeg. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog