SEOUL (AFP) — Inanunsiyo ng South Korea noong Miyerkules na opisyal nang nagwakas ang outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) na ikinamatay ng 36 katao at nagbunsod ng malawakang pag-aalala sa fourth-largest economy ng Asia.

Binanggit ng Seoul health ministry na “no further risk” ng infection, halos pitong buwan matapos masuri ang unang kaso noong Mayo.

Malaki ang naging epekto ng MERS outbreak sa ekonomiya ng South Korea, humina ang consumer spending at dumalang ang mga turista sa loob ng maraming buwan.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture