MADRID (AFP) — Nahaharap ang Spain sa pagsisikap na makabuo ng bagong matatag na gobyerno kasunod ng makasaysayang halalan noong Lunes na nanalo ang incumbent conservatives ngunit hindi nakuha ang majority.
Sa loob ng mahigit 30 taon, nagpapalitan ang Popular Party (PP) at ang Socialists sa kapangyarihan, ngunit ngayon ay hinahamon sila ng mga baguhang Podemos at Ciudadanos, ang centrist party na naging pang-apat sa dikit na legislative polls noong Linggo.
Sinabi ni incumbent prime minister at PP leader Mariano Rajoy, 60, noong Linggo sa Madrid na sisikapin niyang makabuo ng gobyerno. ‘’Gracias’’ sabi niya habang nakatayo sa podium. ‘’Spain needs a government that has the support of parliament.’’