Susugod ang mga driver, operator at pasahero sa pangunguna ng No To Jeepney Phaseout Coalition sa tanggapan ng Department of Transportation and Communications (DoTC) ngayong Lunes ng umaga.

Ayon kay George San Mateo, National President ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), dakong 10:30 ng umaga ay sumugod ang mga driver, operator at pasahero sa DoTC main office sa Columbia Tower, Ortigas Avenue, Mandaluyong City upang ihirit sa ahensiya na ibasura ang plano ng pamahalaan na i-phase out ang 99% ng Public Utility Jeepneys (PUJ) sa bansa sa Enero 2016.

Mariing tinututulan ng mga ito ang jeepney phase out at nagsunog pa ang koalisyon ng imahe ng tinaguriang “masterminds” sa likod ng PUJ phase out na sina President Benigno Aquino III, DoTC Secretary Joseph Abaya, dating DoTC Sec. at Presidential aspirant Mar Roxas at corrupt transport leaders.

Iginiit ni San Mateo, hindi kumbinsido ang mga driver at operator sa pahayag na garantiya ng DoTC na mandatory lang ang phaseout sa 2017. - Bella Gamotea

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'