Umatras sa Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hamon ng una na sila ay magdebate.

Ito ang bagong kabanata sa serye ng sagutan ng dalawang kandidato para sa pangulo sa halalan sa 2016.

Sinabi noon ni Duterte na handa siyang makipagdebate sa mga kandidato kapag nagsimula na ang campaign period subalit mabilis itong umatras nang hamunin ni Roxas bago pa dumating ang Pebrero.

“Bakit pa kailangang maghintay? Ngayon na!” sambit ni Roxas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinihikayat ang debate sa pagitan ng mga kandidato para mas maintindihan ng mga botante ang kanilang mga plataporma, kaya’t mismong Commission on Elections (Comelec) ang nakipagtambalan sa media para makapagorganisa ng mga televised presidential debate.

Nagsimula ang bangayan nina Roxas at Duterte nang mapikon ang huli dahil sa pagbunyag ni Roxas ng tunay na datos mula sa Philippine National Police tungkol sa malaking bilang ng nangyaring krimen sa Davao City.

Inakusahan ni Duterte si Roxas na inimbento lamang ang pagtatapos nito sa Wharton School sa University of Pennsylvania sa Amerika, isang bagay na pinabulaanan mismo ng Wharton School, na naglabas ng opisyal na pahayag na totoong graduate ng kanilang unibersidad si Roxas. - Beth Camia