Tinanghal na pangkalahatang kampeon ang Ayala Harpoons Swimming Club matapos ang pagsasagawa ng 2015 Speedo National Short Course at Long Course Swimming Championships na inorganisa ng Philippine Swimming Incorporated (PSI) sa Valle Verde Country Club.

Sinabi ni PSI Technical Official Richard Luna na hangarin ng torneo na hasain ang mga kabataang swimmer sa bansa para masanay sa pagpapabilis sa kanilang mga oras at pagpapalakas ng resistensiya sa mga maiigsi at mga mahahabang distansiya sa sports na swimming.

“This is patterned after the training of the US Swimming Team na nagdedetermina kung sino ang mga swimmer ang patuloy na nag-iimprove at napapabilis ang kanilang particular na oras sa mga event na kanilang sinasalihan, kaya may tinatawag na ngayong na IMX o iyung IM Extreme,” paliwanag ni Luna.

Nakataya naman sa bawat magwawaging miyembro ng koponan ang mga puntos base sa kanilang puwesto sa pagtatapos ng sinalihang event na siyang nagdedermina para sa tatanghaling overall champions.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtipon ang Ayala Harpoons ng kabuuang 1,770 puntos sa Long Course habang 1,429 puntos sa Short Course upang pamunuan ang 30 iba pang kasaling koponan sa swimming sa bansa.

Ikalawa ang Xavier Swim Club na may 925 LC points at 1,005 SC points para sa kabuuang 1,930 puntos. Ikatlo ang Valle Verde Aqua Lasers Swi Club (673+766=1,439), ikaapat ang Ace Seawolves Swim Club (553+819=1,372) at ikalima ang QCSC Buccaneers Swim Club na may 468+570 para sa kabuuang 1,038 puntos.

Ikaanim ang De La Salle Zobel (415+614=,1029) kasunod ang Elizabeth Seton Saints sa ikapito (486+485=971), ikawalo ang PCA Stingray (268+438=706), ikasiyam ang Marikina Swimming Club (396+186=582) at ikasampu ang Makati Skipjacks Swim Club (480+0=480 puntos).

Kinilala din bilang IMX winner para sa edad 11-anyos si Mico Angelo Del Poso ng MDSF Vikings Swim Club na may 3452 puntos sa boys at si Janelle Alis Lin ng Balon Dagupan Swim Club na may 3264 puntos sa girls category.

Wagi sa edad 12-anyos si Raphael Santos na may 3761 puntos habang si Kristina Franchesa Baccay ng QC Buccaneers Swim Club na may 3315 puntos. Kampeon sa 13-years old boys si Zachary Kong ng Antipolo Gem Swim Club (2946) habang si Althea Michel Baluyut ng Ace Seawolves sa girls (3304).

Panalo sa 14-years old boy sina Keanne Cedric Ting ng Xavier School (3344) at Mikhail Andre Ramos (3344) habang si Xiandi Chua sa girls (3758). Wagi sa 15-years old boys si James Patrick Reyes ng San Jose Galeon swim club (2280) at si Dara Nichelle Carreion ng Xavier School sa girls (3036).

Kampeon sa 16-years old boys division si Maurice Sacho Ilustre ng De La Salle (3493) at Kirsten Chloe Daos ng QC Buccaneers sa girls (3142) habang wagi sa 17-years old boys si John Carlo Doragos (2566) at sa girls si Ramina Rafaelle Cavino (2826) na kapwa miyembro ng Ayala Harpoons.

Namuno naman sa 18-years old boys si David Vincent Dy ng Celebrity Rapis swim club (1874) at si Pricila Loren Aquino ng San Jose Galeon swim club (2712) sa girls category. (Angie Oredo)