angelica, john lloyd copy

BUKOD sa pagpo-post sa Instagram ng poster ng Honor Thy Father, ang MMFF entry na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz, ang comment ni Angelica Panganiban na, “Honor Thy Father... December 25, 2015... I’ll never stop, being a fan...” ang umagaw sa pansin ng followers ng aktres.

Natuwa ang mga nakabasa sa post ni Angelica dahil ang dating sa kanila ay okay pa rin ang relasyon nila ni John Lloyd at hindi totoo ang tsikang may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Nakatutuwa dahil isa sa mga nag-comment si Direk Tonette Jadaone ng “sobrang ganda”. Hindi pinalampas ni Angelica ‘yun at sinagot ang director ng, “@tonet_jadaone talagang dito ka nag-comment? Hindi sa movie mo? O pinaiiral mo harot mo? (Just like me).”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sumagot ang director ng, “Ay may movie ba ‘ko??? Hahaha! Pero maganda po talaga! Ibang-ibang John Lloyd ang makikita n’yo at manigong bagong taon sa inyong lahat!”

Sayang lang at hindi sinagot ni Angelica ang comment ng isa niyang fan na natutuwa na may relasyon pa rin sila ni John Lloyd, kabaligtaran sa mga nasulat na may problema sila.

Ang wish ng fan, mas maging solid pa ang relasyon ng dalawa at palagi nilang susuportahan ang mga pelikula nila, magkasama man o hindi. (NITZ MIRALLES)