VERONA, Virginia (AP) - Napilitan ang mga opisyal ng isang county sa Virginia na ipasara ang mga eskuwelahan dahil sa pangamba sa seguridad matapos magprotesta ang mga magulang laban sa isang world geography lesson na isinama ang Islam.

Inihayag ni Augusta County School Board President Eric Bond na nagpasya silang ipasara ang mga paaralan nitong Biyernes matapos ang konsultasyon sa law enforcement.

Iniulat ng media na isang guro sa Riverheads High School noong nakaraang linggo ang nag-utos sa mga estudyante na kumpletuhin ang isang takdang aralin na kinabibilangan ng pagsasanay ng calligraphy at pagsusulat ng pagpapahayag ng paniniwalang Muslim.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM