BRUSSELS (AFP) - Itinakda ng mga opisyal ng European Union (EU) sa katapusan ng Hunyo ang deadline para magkasundo sa bagong border at coastguard force upang mapigilan ang pagdagsa ng mga migrante sa 28-nation bloc.
Sa isang milyong karamihan ay Syrian refugee at migrante na inaasahang darating sa Europe ngayong taon, ang kakulangan ng epektibong border control ay nagdulot ng mga pangamba sa itinatanging Schengen passport-free area ng Europe sa muling pagpapatupad ng mga bansa ng internal control upang mapigilan ang pagdagsa ng mga tao.