Napatunayan ng Ombudsman prosecutors na nagkasala si Bank Officer II Irene Sarmiento, alyas “Shirley Lazaro”, ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa paglabag sa Section 3(d) ng Republic Act No. 3019, o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”, at Sections 27 (a) at (d) ng RA No. 7653, o “New Central Bank Act”.

Habang siya ay empleyado ng BSP, tumanggap ng trabaho si Sarmiento bilang consultant ng Air Material Wings Savings and Loan Association, Inc. (AMWSLAI), isang institusyon sa ilalim ng regulatory supervision ng BSP.

Sa panahong siya ay rumaraket bilang consultant simula 2000 hanggang 2001, nagsinungaling si Sarmiento sa kanyang pagkatao, ginamit ang pangalan ng kanyang kapatid na si Shirley Lazaro, at nakapangutang sa AMWSLAI ng kabuuang P260,000.

Si Sarmiento ay hinatulang makulong ng apat hanggang walong taon para sa paglabag sa RA No. 3019 at dagdag na tatlo hanggang walong taong pagkakakulong para sa bawat paglabag sa RA No. 7653.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Siya ay habambuhay na disqualified sa public office at pinagmulta ng kabuuang P200,000 para sa paglabag sa RA No. 7653.

Nakasaad sa Section 3(d) ng RA No. 3019 na ipinagbabawal sa mga public official na tumanggap o magkaroon ng miyembro ng kanyang pamilya na nagtatrabaho sa isang private enterprise na may pending official business.

Samantala, sa Section 27 (d) ng RA No. 7653 nakasaad na “borrowing from any institution subject to supervision or examination by the Bangko Sentral shall be prohibited unless said borrowings are adequately secured, fully disclosed to the Monetary Board.”

PNA