MULING pinatunayan ng Albay na epektibo ang kanilang disaster risk reduction (DRR) formula nang rumagasa ang bagyong ‘Nona’ sa nasabing probinsiya nitong nagdaang mga araw. Maraming namatay dahil sa bagyong ‘Nona’ ngunit walang nabiktimang taga-Albay.

Ang success formula ng Albay na binuo ni Albay Gov. Joey Salceda ay: #AlbayZeroCasualty: Pray together, stand together, help one other.

Ayon kay Salceda, ginamit nila ang nabanggit formula sa iba’t ibang sakuna na kanilang nararanasan sa probinsiya:

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“We Pray together, Stand together, Help one another. Our people have learned to pray and prepare. Preemptive evacuation, however is our highest form of prayer.”

Inamin ng mga kaibigan ko sa Albay na parte na ng kanilang araw-araw na pamumuhay ang disaster preparation, “just like taking a bath.”

Inihayag ng United Nations ang Albay bilang global model para sa DRR at climate change adaptation. Kasalukuyan pa ring hawak ng Albay ang nasabing titulo ng pagkilala.

Nanalasa ang bagyong ‘Nona’ matapos ang pagpupulong ng 200 bansa sa France at lumagda ng kasunduan upang labanan ang climate change. Sinabi ni Salceda na ang bagyo ay “possibly one of the most rapid cyclogenesis in our history” at matindi silang naapektuhan.

Nitong nakaraang Linggo, Disyembre 13, ipinag-utos ni Salceda ang widescale preemptive evacuation sa mga residenteng nasa mapanganib na kalagayan.

Sa direksyon ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ang emergency disaster Team Albay ay nakapagpalikas na ng 558,811 katao o nasa 120,937 pamilya.

Bukod sa pagtutulungan ng bawat isa sa mga evacuation center, inihayag ni Salceda na sabay-sabay silang nanalangin ng Oratio Imperata, ang panalangin para sa sakuna, na isinulat ni noon ay Albay Archbishop Lucilo Quiambao.

Kaugnay sa pananalasa ng bagyong ‘Nona’, sinabi ni Salceda na “preemptive capacity must be built-in in every home, in every person; we can only rely on whatever resources we can summon from within and from our friends (DSWD, OCD, AFP) to save that solitary life that could violate our ‘zero casualty’ goal which we hold sacred since even in our most modest means, it makes real the dignity of persons and upholds the equality of all.” (JOHNNY DAYANG)