HINDI sumipot ang anak ni Atty. Joji Alonzo na si Nico Antonio sa presscon ng #Walang Forever dahil bawal siyang makita sa Kuya J restaurant dahil endorser siya ng kakumpetensiyang food chain.
Ang lead actor ng kanilang pelikulang #Walang Forever na si Jericho Rosales ang endorser ng Kuya J.
Tuwang-tuwang ibinalita ni Atty. Joji na dahil sa programang On The Wings of Love ay kinuhang endorser ng Mang Inasal si Nico.
“Oo, sobrang pasalamat ako, wala nga si Nico kasi bawal, kasi kalaban itong Kuya J’s restaurant. He’s the new endorser of a food chain, puwede na bang sabihin? Lumabas na rin naman. Nico is the new endorser of Mang Inasal,” sabi ng mother dear ni Nico.
Aaminin namin, Bossing DMB na hindi namin gusto noon na mag-artista si Nico dahil kumukuha ng abogasya at gustong sundan ang mga yapak ng nanay niyang tigasin sa korte. At nakita namin hard sell siyang umarte noon at hindi naman pang-leading man. Aminin man o hindi, hindi naman siya heartthrob o hunk at alam ito ng mama niya dahil nabanggit namin ito sa kanya na naging dahilan kaya sumama ang loob niya sa amin.
Pero hindi pinanghinaan ng loob si Nico, itinuloy pa rin niya ang pag-aartista at tumanggap ng kung anu-anong papel sa mga serye at pelikula na tulad ng janitor, alalay, goon, bakla at finally, napansin na talaga siya sa On The Wings of Love bilang si Tolayts na madly in love kay Tiffany (Bianca Manalo).
“Sa awa ng Diyos, oo (napansin),” sabi ni Atty. Joji. “Ako kasi, Reggs, ang hino-hope ko for Nico, kasi kahit anak ko ‘yan, kung hindi ko nakikitaan ng talent, I will not support him. But he really honestly, sincerely (gusto niya).
“Nu’ng una, alam kong meron, pero hindi pa siya bumibitaw sa comfort zone niya, eh. It took him time. Hindi niya alam kung ano talaga ang gusto niya. Kung gusto niyang mag-pursue ng law career o mag-artista. Dito sa OTWOL, nagsa-shine siya rito, because gusto niyang magpatawa ng tao.
“Since he was a kid, ginagaya na niyan si Rene Requiestas, he likes to make people laugh, ano ‘yan, patawa nang patawa talaga. So nu’ng kinast siya for that role (Tolayts), shucks, mukhang ito na ‘yung babagay sa kanya.
Initially nga, his role was very short lang, I think they expanded the story, kasi ang ganda ng chemistry nila ni Bianca, ang galing-galing ni Bianca,” masayang kuwento ng proud mama ni Nico.
May nagtanong kay Atty. Joji kung papasukin din niya ang pulitika katulad ng ibang topnotch lawyers sa bansa.
“Wala, wala talaga. I’ve been asked many times to run, pero wala talaga at nagsasalita na ako ng tapos. Mahirap maging politician, kung gusto kong tumulong sa kapwa ko, puwede ko naman gawin as a private citizen, in fact as of today, I have ten scholars.
“I am sending kids to school, may college – tatlo; may high school – dalawa; ‘tapos lima na elementary. Maraming paraan, Reggs, kung gusto mong tumulong sa tao,” paliwanag ni Atty. Joji.
Bakit ayaw niyang makisali sa pulitika?
“Hindi pa ako nasisiraan ng ulo,” sagot, sabay tawa ni Atty. Joji.
Inalok si Atty. Joji, “Sa Quezon City, dalawang beses; Senate dalawang beses, so four times na. Joke ko lang naman ‘yung sinabi kong nasisiraan ng ulo. Considering all the difficulties that you have to go through the campaign and then becoming a politician, hindi biru-biro ‘yun, hindi ko kaya ‘yun!
Sino ang iboboto niyang president?
“Duterte ako, eh, ha-ha-ha. Sa vice I haven’t decided yet. Why Duterte? pagod na kasi ako sa maraming bagay, I want something new.” (REGGEE BONOAN)