ELMO AT JANELLA copy copy

NAKAKUWENTUHAN ng bagong magka-love team na sina Elmo Magalona at Janella Salvador si David Pomeranz, ang original singer ng Born To Love You. Ang nasabing kanta ang title ng teleserye na pagtatambalan nina Elmo at Janella.

Sa pictures na nakita namin sa Instagram account ng Dreamscape, pinapunta nila ni Pilipinas si David Pomeranz para mag-record sa kanyang first teleserye theme song na Born For You. May picture rin na nagre-recording na si Pomeranz ng song.

May series of pictures din sina Elmo at Janella na nasa recording room at may hashtag na #B4URecording. Ibig sabihin, may version din ang dalawa ng theme song nang pagbibidahan nilang teleserye sa ABS-CBN.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nakakaaliw basahin ang comments ng fans na supporters ng love team nina Janella at Marlo Mortel at fans ng bagong love team nina Janella at Elmo. May kinikilig kina Elmo at Janella dahil bagay daw at may chemistry kahit sa pictures pa lang sila nakikita.

Nalulungkot naman ang fans ng MarNella at ang tanong nila ay kung buwag na ang love team na sinuportahan nila.

Dagdag pang tanong, kung ang MMFF entry ng Regal Entertainment na daw ba ang last project ng dalawa. (MITZ MIRALLES)