ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Tapusin ang isang mahalagang business transaction at huwag munang magsimula ng bago. Posibleng magkamali ka sa isang importanteng detalye.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Bibigyan mo ng final touches ang isang creative project. May sorpresang announcement mula sa isang mahalagang miyembro ng pamilya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

GEMINI [May 21 - Jun 21]

May mahahalagang pagbabago sa loob ng family circle. Don’t worry, makaka-adapt ka agad sa changes na ito.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Pinal na ang desisyon ng partner mo, pero hindi naman kailangang pag-awayan n’yo ito. ‘Di mo rin kailangang mag-respond.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

May partikular na bahagi ng career mo ang magwawakas ngayong araw. Kasunod nito, may change din siyempre sa income mo.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Maging observant sa paligid mo. Capable kang mag-give up sa ilang activity today. Puwede ring mismong ang posisyon mo sa trabaho ang i-give up mo.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Sasailalim sa internal changes ang iyong team dahil isang personalidad ang mamamaalam. Iwasan munang pumirma sa mga dokumento, magbiyahe at um-attend sa business meetings.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Huwag munang kanselahin ang isang importanteng plano. Kailangan mo lang ng kaunting improvement at modernization sa maliliit na detalye.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Stressful ang araw na ito for you. Pero ipa-finalize mo ang mga detalye sa ilang long-lasting projects.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

May magtatapos ngayong araw. Puwedeng isang kaso na matagal nang nililitis, isang nakakabagot na business trip, o isang inaamag nang tampuhan sa isang kaibigan.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Umiwas ka muna sa anumang monetary transactions today. Mauudlot ang iyong Christmas shopping.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Maglalatag ang partner mo ng mga kondisyong hindi mo kayang ibigay. Isang tao ang mawawalan ng respeto sa’yo.