Naitala ng University of Perpetual Help Altas ang kanilang ikalawang sunod na panalo upang makapagsolo sa pamumuno sa Group B matapos pataubin ang Philippine College Criminology, 82-66, sa 12th Fr. Martin Cup Collegiate Open basketball tournament sa Far Eastern University gym sa Morayta, Manila.

Sinimulan naman ng Philippine Merchant Marine School ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng panalo kontra Far Eastern University, 70-68 sa Group A.

Pinangunahan nina Aj cironel at Daryl Singontiko ang Altas na nasa ilalim na ngayon ng paggabay ng bago nilang coach na si Nick Omorugbe sa naitalang 18 at 17 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sumandig naman ang PMMS Mariners na pinamunuan ni Rocky Antonares, na nagposte ng 15 puntos sa kanilang matinding depensa sa huling 48 segundo upang magapi ang Tamaraws.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtala si Singontiko ng 10 puntos sa first period,kabilang na ang 2 triples na nagbigay sa Altas ng 21-12 bentahe.

“Our game was pretty good. We came out ready. For us, winning this is a big thing, coming out of the last NCAA season not making it to the Final Four,” ayon kay Omorogbe.

Naunang tinalo ng Alta sang University of the East, 78-76.

Samantala, nanguna naman para sa FEU si Richard Escoto na may 14 puntos.

Dahil sa kabiguan, nanatili silang walang panalo matapos ang dalawang laban kasunod ng nauna nilang pagkatalo sa kamay ng Manuel L. Quezon University, 64-67. (Marivic Awitan)