new

UMANI ng pagkilala ang EMOTORS, Inc. (EMI) bilang “Green Company of the Year” sa Asia CEO Award na ginanap kamakailan.

Ang EMI ang unang assembler/manufacturer ng mga zero-emission electric tricycle na 100 porsiyentong pag-aari ng Pinoy.

Sa pangangasiwa ng ADEC Innovations, kinikilala ng Asia CEO Award ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong sa sustainable program na lilikha ng positibong epekto mula sa climate change mitigation sa pamamagitan ng pagpapababa ng level ng carbon emission.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ginamit na basehan sa pagpili ng mga pararangalan ang determinasyon ng mga leader, pagtutulungan ng mga stakeholder, relevance, kahalagahan at benepisyo sa lipunan.

“Sinasalamin ng parangal ang pagsusumikap at dedikasyon ng buong E-Motors’ team, at suporta ng aming mga kasamahan at kliyente na kumikilos upang maproteksiyunan ang kalikasan,” ayon kay Elizabeth H. Lee, E-Motors chief executive officer.

“Kami ay pinalad na makatanggap nitong prestihiyosong parangal. Ito ay magsisilbing inspirasyon para sa amin upang isulong ang pagbabago na ating hinahangad sa pagtulong sa mga kumpanya upang mapababa ang kanilang carbon footprint habang gumagamit ng maaasahan, malinis, at makakalikasang electric vehicles,” dagdag ni Lee.

Ikinagalak din ni Lee na nataon ang parangal sa pagtatapos ng COP21 Climate Change Summit na gumuhit sa kasaysayan upang magkasundo ang mga leader ng halos 200 bansa sa paglilimita sa carbon emission.

“Higit sa lahat, ang problema ng carbon emission at polusyon ang nasa sentro ng talakayan ng mga lider pulitiko. Ang mahalaga ngayon ay ang implementasyon. Wala na dapat agam-agam at sa halip, magkaisa ang lahat sa kung kalian natin ito ipatutupad.” giit ni Lee. (ARIS R. ILAGAN)