Lebron_JPEG copy

Umiskor si LeBron James ng 24- puntos upang pamunuan ang Cleveland Cavaliers sa maigting na 89-77, panalo kontra sa Boston Celtics noong Martes ng gabi sa NBA na nagparamdam sa muling paghaharap ng dalawang koponan sa kanilang pisikal na salpukan sa unang round sa playoff series noong nakaraang taon.

Nagtala rin si Kevin Love ng kabuuang 20-puntos kasama ang walong rebound sa kanyang pagbabalik at unang laro sa Boston matapos na tamaan at ma-dislocate ang kanang balikat ni Kelly Olynyk at hindi nakalaro sa playoffs.

Umangat ang Cavaliers sa kabuuang 16-7 panalo-talong kartada habang nahulog ang Celtics sa 14-11, panalo-talo.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nanguna naman si Jae Crowder, na nasuntok sa panga ni J.R. Smith sa serye, sa itinala na 14-puntos sa Celtics.

Umiskor din si Timofey Mozgov ng 9 na puntos at humugot ng season-high na 10 rebound kung saan inihulog nito ang pito at limang board sa ikatlong yugto upang itulak ang Cleveland na pataasin ang limang puntos na abante tungo sa 10-puntos na kalamangan.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Cavaliers sapul na makalasap ng tatlong sunod na kabiguan sa pagsisimula nitong sa buwan ng Disyembre.

Nagtala si Avery Bradley ng 17-puntos para sa Boston na nagbalik sa kanilang homecourt sa unang pagkakataon matapos na sagupain ang dating walang talo na golden State Warriors sa double overtime.

Ang laban ay tila rematch sa apat na laban na itinala ang Cleveland kung saan matatandaang aksidenteng natamaan ni Olynyk ang balikat ni Love. Hindi na nakalaro si Love sa natitirang laro sa playoff ng Cavaliers na nagawang tumuntong sa NBA Finals bago nabigo sa Warriors sa loob ng anim na laro.

Nagtamo rin si Cavaliers point guard Kyrie Irving sa kanyang kneecap sa Finals at simula noon ay hindi pa muling nakakalaro bagaman sinabi ni coach David Blatt na hinihintay na lamang nila ang pagigiing 100 porsiyento kahandan ng tinanghal na 2011 No. 1 overall draft pick.

Samantala, nagwagi ang Indiana Pacers kontra Toronto Raptors, 106-90, habang panalo rin ang Orlando Magic kontra sa Brooklyn Nets, 105-82.

Naungusan ng Los Angeles Clippers sa overtime ang Detroit Pistons, 105-103, habang tinalo ng Miami Heats ang Atlanta Hawks, 100-88. (ANGIE OREDO)