Inaresto ng pulisya ang isang Indonesian na wanted sa panggagahasa sa kanyang kababayan sa Matalam, North Cotabato, iniulat ng pulisya kahapon.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Antorio Lubao, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 22, para sa kasong rape, nadakip si Oxan Luas, 44, ng Sitio Kalambiga, Barangay Kablalan, Glan, Sarangani.

Hindi nanlaban ang suspek nang arestuhin ng pulisya sa Matalam, sa panghahalay sa isang kapwa niya Indonesian noong 2013.

Batay sa record ng pulisya, natuklasang wanted din si Luas sa kasong pagpatay ngayong taon sa isa ring kababayang lalaki. (Fer Taboy)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog