HASAKEH, Syria (AFP) – Hindi pinagsisisihan ni Babylonia na kinailangan niyang iwan pansamantala ang dalawa niyang anak at ang kanyang trabaho bilang hairdresser upang lumahok sa isang Kristiyanong militia ng kababaihan na lumalaban sa Islamic State sa Syria.

Naniniwala ang 36-anyos na mula sa minoryang Syriac Christian—na bumuo ng maliit na sandatahan ng kababaihang Kristiyano sa probinsiya ng Hasakeh—na kailangan niyang lumaban upang matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga anak sa hinaharap.

Bukod sa grupo ni Babylonia, nauna nang itinatag ang isang grupo ng kababaihang armado—ang YPJ—laban sa IS.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'